Tiniyak ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na makakaaasa ng tulong ang mga magsasaka at mangingisda sa Taal Lake sa sandaling muling pumutok ang Bulkang Taal.
Ayon kay Secretary Dar, nakalatag na ang action plans at istratehiya para sa mga fisherfolk at farm families sa lakeshore areas at sa mga kalapit barangay.
Nauna rito, inilagay ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Alert Level 3 ang mga lugar sa Taal Volcano Island at sa mga lakeshore barangays kasunod ng nangyaring pananandaliang pagsabog.
Magugunita na nakapagtala ng Php3.4-B na pinsala sa sektor ng agrikultura at pangisdaan at sa paghahayupan ang pagsabog ng Taal Volcano noong Enero ng nakaraang taon.
Labis na naapektuhan dito ang Batangas, Laguna at Cavite.