Mino-monitor na rin ng Department of Agriculture (DA) ang epekto ni bagyong Usman sa sektor ng pagsasaka.
Sa kalatas ng DA operations center, nag preposition na sila ng mga binhi ng palay, mais at mga high value crops para sa agarang distribusyon sa mga maapektuhang magsasaka.
Sa Region 5 at 13, naka standby na ang bulto bultong in bred rice seeds, yellow corn, Open-Pollinated Variety (OPV) white corn seeds at vegetable seeds.
May ipapamahagi rin na mga pataba, farm equipment at machineries at mga gamot sa pananim.
Layunin nito na agad na maibangon ang kabuhayan ng mga magsasaka mula sa pagkasalanta ng kanilang pananim dahil sa bagyo.
Patuloy ang coordination ni Agriculture Secretary Manny Piñol sa lahat ng agricultural program coordinating officers para sa pag-monitor sa weather sa mga apektadong rehiyon.