DA, iniimbestigahan ang inilabas na pekeng resolution na pinapayagan umano ni PBBM ang importation ng asukal

Iniimbestigahan na rin ng Department of Agriculture (DA) kung saan nanggaling ang umanoy resolusyon na pinayagan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., na mag-import ng 300 metric tons ng asukal.

Ayon kay Agriculture Undersecretary Kristine Evangelista, tinutunton na nila kung sino ang responsable sa paglalabas ng pekeng dokumento.

Una ng sinabi ni Press Sec. Trixie Cruz-Angeles, illegal umano ang naturang kautusan dahil walang pinayagan ang pangulo na importasyon ng asukal.


Ayon kay Evangelista, isusumite nila sa Malacañang ang resulta ng kanilang imbestigasyon at bahala na ang pangulo kung ano ang ipapataw na parusa sa pagpapakalat ng pekeng importasyon.

Facebook Comments