DA, iniimbestigahan na ang nangyayaring pag-divert ng supply ng baboy na para sana sa Metro Manila

Tinutunton na ngayon ng Department of Agriculture ang nasa likod ng pag-divert ng suplay ng karneng baboy na mula sa lalawigan at para sana sa Metro Manila.

Ayon kay Assistant Secretary for Operations Arnel De Mesa, nakikipag-ugnayan na sila sa militar at Philippine National Police (PNP) para malaman kung saan ibinabagsak ang mga buhay at nakatay na baboy na nagmumula sa mga African Swine Fever (ASF) free areas na may surplus ng live hogs.

Kasunod na rin ito ng reklamo ng mga traders na walang dumarating na nakatay na baboy para kanilang maibenta.


Ani De Mesa, nasa 4,000 na buhay na baboy ang requirement sa Metro Manila kada araw at nasa 4500 heads ang dumarating kada araw sa National Capital Region (NCR).

Gayunman, nagkakaroon aniya ng diversion ng suplay sa mga lugar na walang ipinatutupad na price ceiling.

Dagdag ni De Mesa, ngayong tinatapatan ng DA ng transportation assistance ang bawat kilo ng ibinibiyaheng baboy ng mga hog traders, kinakailangang matiyak na makakarating ang suplay sa nararapat na destinasyon.

Facebook Comments