Inilabas ng Department of Agriculture (DA) ang inisyal na resulta ng pagsusuri sa isinagawang African Swine Fever o ASF vaccination sa mga baboy mula sa Lobo, Batangas.
Ipinakita ng unang resulta ng controlled vaccine administration na habang ang ilang mga baboy ay namatay pagkatapos ng pagbabakuna, lumilitaw na karamihan ay nananatiling nasa mabuting kalusugan.
Kinumpirma rin ng PCR test sa mga namatay na baboy ang pagkakaroon ng mga ito ng impeksyon sa ASF.
Dahil ang live attenuated vaccine ay maaari ring makita ng PCR, inihahanda ngayon ang mga karagdagang diagnostic test.
Ayon kay Assistant Secretary for Swine and Poultry Dr. Constante Palabrica, ang natapos na pagsusuri ay ang ELISA tests.
Sinusukat ng ELISA test ang immune response sa pamamagitan ng pag-detect ng mga antibody levels.
Ang pagtaas sa percentage blocking ay nagpapakita ng mas malakas na immunity o kaligtasan sa sakit.
Habang ang DIVA test aniya ay kasalukuyang isinasagawa.
Sa pamamagitan ng DIVA test, matutukoy ang pagkakaiba ng mga nabakunahang baboy at sa mga nahawahan ng field virus.
Makatutulong ito sa pagtukoy kung ang virus sa mga namatay na baboy ay maiuugnay sa bakuna o external sources.
Ang unang test ay bahagi pa rin ng mas malawak na pagsisikap na protektahan ang populasyon ng baboy mula sa ASF.
Tiniyak ng DA ang paglalabas ng update hanggang makumpleto ang pagsusuri.
Ang 30-day post vaccination period ay kritikal para sa pagtiyak ng pagiging epektibo ng bakuna at pagtiyak sa kalusugan ng natitirang mga baboy.