DA, inilagay na sa blacklist ang importer ng smuggled sugar mula Thailand

Courtesy: Department of Agriculture - Philippines

Blacklisted na sa Department of Agriculture (DA) ang importer ng smuggled sugar mula Thailand.

Nauna nang ininspeksyon ng DA at Sugar Regulatory Administration ang mga nakumpiskang 2,000 tig-50 kilo bags ng imported refined sugar na may halagang P9 milyon sa Port of Manila .

Ayon sa DA, ang naturang kooperatiba ay walang permit na mag angkat ng imported sugar.

Naideklara din ng kooperatiba na ang mga refined sugar ay sweetener mix lamang na may mababang taripa.

Dahil dito, nawalan ang gobyerno ng P1.8 milyon halaga sa import tax.

Ang kontrabando ay inabandona na ng importer nito.

Facebook Comments