DA, inilatag ang mga hakbang para ibangon ang piggery sector ngayong napabagal na ang ASF

Ngayong na-flatten na ang curve ng African Swine Fever (ASF), sinimulan na ng Department of Agriculture (DA) ang gagawing pagbangon ng industriya ng babuyan.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, maglalaan ang ahensya ng tig-200 milyong piso sa Central Luzon at CALABARZON para sa pagsisimula ng re-stocking o pagpuno ng baboy sa mga livestock.

Sinabi ng Kalihim na prayoridad dito ang mga hog raiser na kabilang sa mga community cooperative.


Ito ang nakikitang paraan ng DA upang matiyak na may sapat na suplay ng karneng baboy sa buong taon.

Aminado ang DA na nagkaroon ng paghina ng suplay ng karneng baboy bunsod ng maramihang pagpatay ng baboy.

Una nang inanunsyo ng DA na may dalawampu’t limang probinsya sa bansa ang apektado ng ASF.

Facebook Comments