DA, inilunsad ang 5-year project nito na naglalayong itaas ang produksyon ng produktong agrikuktural sa Mindanao

Inilunsad ng Department of Agriculture ang five-year Mindanao Inclusive Agriculture Development Project (MIADP) nito na target na makamit hanggang 2028.

Sa ilalim ng MIADP, puntiryang mapataas ang agricultural productivity sa mga ancestral domain sa Mindanao.

Ang programa, na aprubado na ng National Economic Development Authority (NEDA) ay magpapahintulot sa mga organisadong komunidad ng mga magsasaka at mangingisda na mapaunlad sa aktibidad na pang-agrikultural ang ilang ancestral domain sa rehiyon.


Tutulungan din ang mga ito na maka-access sa merkado sa loob ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Magkakaloob ang World Bank ng official development assistance (ODA) na nagkakahalaga ng P6.625 billion para sa proyekto.

Facebook Comments