DA, ininspeksyon ang mga lugar na apektado ng El Niño sa Oriental Mindoro

Ininspeksyon ng Department of Agriculture (DA) ang mga sakahan na apektado ng El Niño sa Oriental Mindoro.

Pinangunahan ni DA Undersecretary for Operations Roger Navarro ang inspeksyon na layuning makita ang iba pang pangangailangan ng mga apektadong magsasaka.

Magbibigay ang DA ng nasa P80 milyon na interest-free loan para sa 3,000 mga magsasaka sa munisipalidad ng Mansalay at Bulalacao.


Bukod pa sa mga loan ay mamamahagi rin ang DA ng mga binhi ng palay, mais at gulay, gayundin ang fuel assistance sa mga magsasakang apektado ng El Niño.

Nagpaalala rin ang DA sa mga magsasaka na makinig sa mga weather advisory at iba pang impormasyon upang mapaghandaan ang mga kalamidad.

Hinikayat ng DA ang lahat na magtulungan upang malampasan ang epekto ng El Niño.

Facebook Comments