DA, inutusan ang BFAR na tulungan ang mga mangingisdang apektado ng oil spill sa Bataan

Inatasan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na tulungan ang mga mangingisdang apektado ng oil spill mula sa lumubog na barko sa baybayin ng Limay, Bataan.

Ayon kay Laurel, kasalukuyang sinusuri ng BFAR ang mga lawak ng mga nasirang lugar upang matukoy ang tulong na ibibigay sa mga apektadong mangingisda.

Kinuha na ng BFAR ang serbisyo ng mga third-party laboratories upang sumuri ng mga water sample sa paligid ng lumubog na barko upang matukoy ang pagkakaroon ng langis at grasa, kabilang ang mga nakakapinsalang contaminant na tinatawag na polycyclic aromatic hydrocarbons.


Inatasan na rin ng kalihim ang BFAR na makipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para makapagbigay din ang ahensiya ng food packs sa mga apektadong mangingisda.

Sa ngayon ay nagpamigay ang BFAR ng mga dispersant para tumulong sa treatment ng langis na tumagas mula sa MT Terra Nova.

Ang MT Terra Nova ay may kargang 1.4 litro ng industrial fuel nang ito ay tumaob.

Facebook Comments