DA, inutusan ang BPI na i-review ang mga naipagkaloob na import permit sa bigas

Mahigpit ngayon ang utos ni Agriculture Secretary William Dar sa Bureau of Plant Industry na huwag nang pagkalooban ng Sanitary Phyto-Sanitary Import Clerance ang mga delingkwenteng SPSICs.

Sa kasalukuyan, mayroong 3,000 na nabigyan ng Sanitary Phyto-Sanitary Import Clerance.

Mula sa naturang SPSICs nanggaling ang 70 percent o katumbas ng 1.7 million metric tons ng inangkat na bigas na pinakikinabangan ng mga rice consumers.


Nais ng Agriculture chief na pagpapaliwanagin ang ilang SPIC holder kung bakit na sa kabila ng paghawak nila ng naturang permit ay wala silang naipapasok na imported stock.

Una nang nanindigan ang DA na huwag suspindihin ang rice importation ngayong panahon ng anihan.

Sa halip, hihigpitan ang pagi-isyu sa Sanitary import clearance na ugat ng korapsyon.

Facebook Comments