Ipinag-utos ng Department of Agriculture (DA) ang pag-audit sa rice disposition ng National Food Authority (NFA) sa gitna ng kontrobersyal na pagbebenta ng buffer stocks sa private traders.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., sisimulan ang pag-audit sa disposition data simula 2019 mula nang maipasa ang Rice Tarrification Law (RTL).
Aniya, hindi pinahintulutan ng RTL ang NFA na magbenta ng bigas sa publiko dahil maaaring sinamantala ng ilang officials at traders ang pagbebenta ng mga nalulumang rice buffer stocks.
Kung maalala, ipinag-utos ng Ombudsman ang pagpataw ng preventive suspension sa NFA officials at employees, kabilang na sina administrator Roderico Bioco at assistant administrator for operations John Robert Hermano.