DA, ipinag-utos ang pag-inspeksyon sa lahat ng refrigerated vans mula sa mga bansang apektado ng ASF

Ipinag-utos na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-iinspeksyon sa lahat ng refrigerated vans na galing sa mga bansang apektado ng African swine fever (ASF).

Ito ay kasunod na rin ng pagkakakumpiska ng container na naglalaman ng kahong-kahong meat balls galing China sa Port of Subic.

Paglilinaw naman ni Agriculture Secretary Manny Piñol, hindi pa nakakapasok sa bansa ang ASF.


Matatandaang ipinag-utos ng Food and Drug Administration (FDA) ang temporary ban sa lahat ng imported pork meat products mula sa mga bansang China, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia, Ukraine, Vietnam, Zambia, South Africa, Czech Republic, Bulgaria, Cambodia, Mongolia, Moldova at Belgium.

Facebook Comments