Pansamantalang ipinagbabawal ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng mga buhay na baka at kalabaw, gayundin ang mga produkto mula sa Japan dahil sa outbreak nglumpy skin disease (LSD).
Ang LSD ay isang viral disease na pangunahing nakakaapekto sa mga baka, kadalasang humahantong sa malubhang komplikasyon o pagkamatay.
Kabilang sa mga sintomas nito ay lagnat, mga nodule sa balat at mga panloob na organ, makabuluhang pagbaba ng timbang, namamaga na mga lymph node, at akumulasyon ng likido sa ilalim ng balat.
Iniulat ng Ministry of Agriculture, Forestry at Fisheries ng Japan ang LDS outbreak sa World Organization for Animal Health noong November 15, 2024, partikular sa Maebaru, Fukuoka na pinaka-apektadong lugar.
Maliban sa mga buhay na hayop, ang pagbabawal ay sumasakop sa mga baka at water buffalo na produkto at mga by-product, kabilang ang hindi pasteurized na gatas at mga produkto ng gatas, mga embryo, balat, at semilya na ginagamit para sa artipisyal na pagpapalahi.
Gayunpaman, ang ilang mga produkto ay hindi kasama sa pagbabawal, basta’t nakakatugon ang mga ito sa mga pamantayan sa pag-import.
Kabilang dito ang skeletal muscle meat, casings, gelatin at collagen, tallow, hooves at horns, blood meal at flour, bovine at water buffalo bones at hides, at pasteurized milk.