DA, ipinagbawal muna ang pag-import ng mga ibon at mga produkto ng manok mula sa Australia dahil sa bird flu

 

Iniutos ng Department of Agriculture ang pagbabawal sa pag-aangkat ng mga domestic at wild bird mula sa Australia.

Ito ay pagkatapos iulat ng kanilang Chief Veterinary Officer sa World Organization for Animal Health (WOAH), ang paglaganap ng H7N3 at H7N9 at mga subtype ng highly pathogenic avian influenza virus sa Meredith at Terang sa Victoria, Australia.

Sa isang Memorandum Order No. 21, iniutos ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.,  ang pagsuspinde ng import clearances (SPSIC) ng Bureau of Animal Industry (BAI).


Nasa pang-apat ang Australia sa mga bansang may pinakamalaking pinagkukuhanan ng imported na karne ng manok na may kabuuang volume na 5,365 metriko tonelada na nag-aambag sa 4 na porsyento ng kabuuang dami ng imported na manok.

Pangatlo rin ang Australia sa pinakamalaking pinagmumulan ng mechanically deboned meat (MDM) na nag-aambag ng 4,162 metric tons o 6.1 porsiyento ng kabuuang dami ng MDM imports.

Nakapag-angkat na ang Pilipinas ng 46,987 na ulo ng day-old chicks at 30,780 piraso ng hatching egg.

Facebook Comments