DA, ipinagbawal pansamantala ang pag-angkat ng manok at itlog sa Minnesota, USA dahil sa bird flu

Ipinag-utos na ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang temporary ban sa pag-angkat ng domestic at wild birds kabilang ang kanilang produkto mula sa Minnesota, United States of America.

Kasunod na rin ito ng outbreak ng High Pathogenicity Avian Influenza H5N1 subtype o Bird Flu.

Kinumpirma ng USDA Animal and Plant Health Inspection Service sa DA ang kaso ng H5N1 infections sa tatlong lugar ng Minnesota nitong Hunyo a-12.


Ayon sa kalihim, saklaw rin ng import ban ang poultry meat, itlog, day-old chicks at semilya.

Pinasuspinde na ng kalihim sa Bureau of Animal Industry ang pagproseso at pag-iisyu ng Sanitary and Phytosanitary Import Clearances para sa mga nasabing produkto.

Nitong Marso ng taong ito, inalis ng DA ang import ban sa Minnesota, USA na nauna nang ipinataw dahil sa avian influenza outbreak.

Facebook Comments