DA, ipinagpatuloy ang pagbabayad sa mga magsasakang apektado ng ASF sa Region 4-A

Ikinatuwa ng Department of Agriculture (DA) ang pagpalabas na ng pondo ng Department of Budget and Management (DBM) na umaabot sa P49.9 milyong piso kaya’t ipinagpatuloy na nila ang pagbabayad sa mga magsasaka sa Calabarzon na pinerwisyo ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay DA Region IV-Calabarzon Officer-in-Charge Regional Executive Director Vilma Dimaculangan, na may kabuuang P8,790,000 ang binayaran ng Regional Office sa 210 na hog raisers sa mga bayan ng Sariaya, Candelaria, at Tiaong sa Quezon na nagsuko ng 1,758 baboy para sa depopulation.

Tiniyak pa ni Dimaculangan na lahat ng hog raisers na qualified sa indemnification ay makakatanggap ng financial assistance.


Bukod aniya sa bayad-pinsala, may alok pang ibang programa ang DA para sa kapakinabangan ng mga magsasakang apektado ng ASF.

Facebook Comments