DA, ipinaliwanag ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng produktong karne

Ipinaliwanag ng Department of Agriculture (DA) na kulang talaga ang supply ngayon ng mga produktong karne kung kaya’t mataas ang presyo ng mga bilihin.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Agriculture Spokesperson Assistant Secretary Noel Reyes na tumataas ang presyo ng mga karne dahil nagkakaroon na ng patong sa presyo bago ito makarating sa mga pamilihan.

Kasunod nito, nanawagan si Reyes sa mga nagbebenta ng manok at baboy na sumunod sa itinakdang Suggested Retail Price (SRP).


Ayon pa sa kalihim, kaya mayroong shortage ng supply ng baboy sa Luzon ay dahil sa banta ng African Swine Fever (ASF) sa Central Luzon na siyang pinakamalaking pinagkukunan ng supply ng baboy sa bansa.

Facebook Comments