Hinikayat ng Department of Agriculture (DA) ang mga miyembro ng American Chamber of Commerce of the Philippines (AmCham) na mag-invest sa agribusiness opportunities sa ilalim ng ‘new normal.’
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, kabilang sa mga major investments na kailangan ng sektor ng agrikultura ay cold chain facilities kabilang ang attendant logistics para magkaroon ng maayos na management sa supply at delivery ng farm at fishery products sa merkado.
Mahalaga ang mga pasilidad na ito lalo na tuwing harvest season.
Para kay Dar, kritikal para sa food security requirements ng bansa ang maayos na management at delivery ng agriculture at fishery products.
Naniniwala ang kalihim na mayroong malaking potensyal at oportunidad para sa agribusiness investments.
Sa isyu naman sa presyo ng baboy, pinapasigla muli ng DA ang hog industry kabilang ang pagpaparami ng supply ng baboy sa Metro Manila.