DA, irerekomenda ang dahan-dahan na pagtaas sa 25 percent ng rice tariff upang mapataas ang farmgate price ng palay sa susunod na harvest season

Nasa 25 percent ang ikinukonsiderang abutin ng ibabalik na taripa na ipinapataw sa pag-aangkat ng bigas.

Ito ang ipinahayag ni Deputy Spokesperson Joycel Panlilio sa isang pulong balitaan.

Sa kasalukuyan kasi, nanatili sa 15 percent ang naibabang rice tariff mula sa dating 35 percent at planong taasan upang mapatatag ang retail price sa bigas.

Ayon kay Deputy Spokesperson Joycel Panlilio, dahan-dahan ang gagawing pagtataas sa 25 percent sa rice tariff upang mabalanse ang interes ng consumers, lokal na magsasaka at traders lalo pa’t katatapos lang ang anihan ng palay.

Una nang tinatantya ng DA na mahirap ang biglaang pagbabalik sa dating rice tariff lalo kung limitado ang local supply dahil sa mahinang ani ng palay.

Dahil tiyak na magreresulta ito upang sumirit ang presyo ng bigas.

Aniya, malaki ang maitutulong kung maisasabay ang pagtataas sa 25 percent sa rice tariff sa panahong papasok ang susunod na harvest season.

Makatutulong kasi aniya ito upang mapataas ang farmgate price ng palay.

Ang naturang proposal ay aaprubahan pa at tatalakayin sa pulong ngayong araw ng Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev).

Facebook Comments