DA, irerekomendang panatilihin ang 15% rice tariff sa nakatakdang review ng Tariff Commission

Walang plano ang Department of Agriculture (DA) na irekomendang taasan ang taripa sa pag-i-import ng bigas.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., imumungkahi niya sa nakatakdang pulong ng tariff commission na panatilihin ang 15% tariff sa imported rice.

Ikinokonsidera ng Kalihim na unti-unting ibalik sa dating 35% ang rice tariff depende sa resulta ng susunod na harvest season.

Ayon naman kay DA Spokesperson at Asec. Arnel De Mesa, iniiwasan nilang makaapekto sa retail price ng bigas ang biglang pagtaaas muli ng tariff.

Posible kasi aniyang sumipa ang rice prices kung magiging limitado lang ang aanihing palay.

Ani De Mesa, maaring mabago ang subsidy sa umaarangkadang rice program kung biglaan ang pagtataas dahil malulugi ang mga retailers kung bente pesos kada kilo ng bigas ang hahanapin ng mga rice consumers.

Facebook Comments