DA, isusulong ang ilang mga hakbang sa produksyon ng sili kasunod ng mabilis na pagtaas ng presyo nito

Isusulong ng Department of Agriculture (DA) ngayong 2026 ang plano para mapataas ang produksyon ng sili, mapatatag ang mga taniman laban sa matinding klima, at magdala pa ng higit pang kakayahan na mapaghandaan ang supply at presyo nito.

Kasunod ito ng mabilis na pagtaas ng presyo nito sa panahon ng tag-ulan kung saan ibinibenta ito sa halagang P800 ang kada kilo noong Setyembre.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na nais niyang mabago ang cycle sa pamamagitan ng paggamit ng mas mahusay na datos at produksyong matatag sa klima.

Binigyang-diin din ng kalihim na maaring itanim ang sili sa maraming lugar sa bansa at hindi lamang sa Bicol at mapalawak ang potensyal sa pagtatanim sa ilalim ng High Value Crops (HVC) program ng DA.

Bukod sa pagpapababa ng presyo ng sili na siyang prayoridad ng kagawaran, target din ng DA na mabawasan naman ang pag-import ng munggo ngayong taon.

Habang sinusuportahan naman ng DA ang greenhouses gamit ang lokal na mga materyales at gayundin ang mga istraktura na matatag sa mga kalamidad.

Samantala, puspusan naman ang access sa mga pananim tulad ng siling pansigang at grafted bell peppers sa pamamagitan ng Gulayan sa Bayan ng DA na isang agri-entrepreneurship na tumutugon sa inflation ng pagkain sa commercial high-value crops na pagsasaka at pangunahing processing.

Facebook Comments