
Binawasan pa ng Department of Agriculture (DA) ang maximum suggested retail price o MSRP sa imported na bigas.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., simula sa March 31, 2025, itatakada na sa P45 ang kada kilo ng bigas sa imported na bigas.
Paliwanag ni Sec. Laurel, ito ay dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo sa pandaigdigang pamilihan.
Dahil dito, nasa 19 na piso na ang nabawas sa presyo ng imported na bigas simula ng ipatupad ang MSRP noong January 20, 2025.
Dagdag pa ng kalihm na bago ipinatupad ang MSRP, umaabot sa P64 ang kada kilo ng imported na bigas.
Facebook Comments