DA, itinagging may food security crisis sa bansa

Itinanggi ng Department of Agriculture na nakakaranas ang bansa ng food security crisis

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, sapat ang supply ng pagkain sa bansa sa kabila ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Aniya, mayroon pa rin mapagkukunan na supply ng manok at sisiw sa mga malalaking farm.


Habang pupunan naman ng calibrated importation ang kakulangan ng supply ng baboy sa bansa.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), nabawasan ng 24.1 percent ang imbentaryo ng mga baboy nitong Enero kumpara noong nakalipas na taon.

Nasa 30 hanggang 40 porsiyento rin ang nakikita ng United Broiler Raisers Association na bawas sa imbentaryo ng manok kaya nagmahal din ang presyo ng kada sisiw.

Mula P14 noong Setyembre ay nasa P52 na ngayon ang presyo nito.

Facebook Comments