Pinabulaanan ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar ang akusasyong mas pinagtutuunan ng gobyerno ang pork importation kaysa protektahan ang local hog industry.
Giit ng kalihim, wala pa man ang deklarasyon ng state of calamity ay naglalaan na ang DA ng pondo para tulungan ang mga hog raisers na makabangon mula sa epekto ng African Swine Fever (ASF).
Bukod dito, simula April 23 ay nagsasagawa sila ng testing ng bakuna galing US laban sa ASF.
Nanghihingi na rin sila ng pondo sa Department of Budget and Management (DBM) at sa Office of the President (OP) na pambili ng freezers at chillers na ibibigay sa merkado para matiyak ang food safety ng mga ibinebentang karne.
Samantala, dahil sa deklarasyon ng state of calamity, sinabi ni Dar na 23% na magiging mas mura ang presyo ng imported pork.
“We are happy that this declaration has come, Proclamation No. 1143. So, yung mga local government units, pwede na nilang gamitin yung calamity fund nila,” ani Dar.
“Well, ‘wag nating pangunahan yung announcement, basta mas mura yung pork prices ng imported by about 23 percent,” dagdag niya.