Mariing pinabulaanan ng Department of Agriculture (DA) ang mga akusasyon mula sa hog raising industry na “dinuktor” o pineke nila ang mga datos para maipursige ang pag-aangkat ng baboy sa harap ng problema sa local hog supply.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, transparent ang mga inilalabas nilang mga datos.
Iginiit ni Dar na may mga basehan sila sa pagrerekomenda na itaas ang Minimum Access Volume (MAV).
Punto pa ng kalihim, ang pagpapatupad ng mataas na MAV at ibaba ang taripa ay makakatulong na maiwasan ang pork smuggling.
Isinasapinal na lamang ng DA ang rekomendasyon sa pagdedeklara ng state of emergency dahil sa epekto ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.
Facebook Comments