Mariing pinabulaanan ng Department of Agriculture (DA) ang reklamo ng ilang market vendors na wala pa silang maibentang murang karneng baboy.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, marami na silang ipinadalang supply ng baboy sa Metro Manila.
Punto pa ni Dar, aabot lamang sa 4,000 ang hog requirement sa Metro Manila kada araw.
Kung ang supply ay naibebenta ng wholesale sa halagang ₱235 kada kilo, ang mga retailers ay kailangang sumunod sa 270 hanggang 300 pesos na price ceiling.
Ang DA ay wala pang kumpletong listahan ng mga palengke kung saan naibebenta ang mga baboy sa 235 pesos kada kilo.
Nakikipag-usap na ang DA sa mga wholesalers na naghahatid ng baboy sa mga palengke.
Facebook Comments