DA, itinangging pinalilimitahan sa mga chicken raisers ang produksyon ng manok

Itinanggi ng Department of Agriculture (DA) na inutusan nila ang mga local chicken raisers na limitahan ang produksyon ng mga ito bilang pagbibigay-daan sa pag-aangkat ng manok sa ibang bansa.

Sagot ito ng D.A. sa liham na isinumite ni United Broiler Raisers Association President Elias Inciong, kasunod ng rekomendasyon ng Bureau of Animal Industry (BAI) na limitahan ang produksyon dahil sa pagbaba ng bilang ng mga import ng manok.

Ayon kay Inciong, hindi pwedeng limitahan ang produksyon dahil maraming Pilipino ang maaapektuhan.


Hindi rin aniya mapipigilan ang pag-aangkat at paglalabas ng produkto sa Pilipinas dahil sa kasunduan nito sa World Trade Organization.

Facebook Comments