DA, kakasuhan na ang mga lumalabag sa umiiral na price freeze

Hahabulin na ng Department of Agriculture ang mga traders na lumalabag sa price freeze sa gitna ng umiiral na Enhanced Community Quarantine.

Nagbabala si DA Secretary William Dar na kakasuhan na nila ang mga hoarders na  magsasamantala sa panahong mayroong State of National Emergency.

Ayon sa DA Chief, pinalakas pa nila ang Bantay Presyo Task Force para i-monitor ang presyo ng pangunahing produktong pang-agrikultura at hulihin ang hindi sumusunod sa  umiiral na suggested retail price.


Ang paglabag sa Price Act ay may multang P5,000 hanggang P2 million at pagkabilanggo ng mula limang buwan hanggang labing limang taon.

Ang SRP ay ipinatutupad sa siyam na basic goods kabilang ang sumusunod:

  • Karne ng baboy (pigue/kasim) – P190
  • Manok (whole, dressed) – P130
  • Asukal (brown) – P45
  • Asukal (refined) – P50
  • Bangus – P162
  • Tilapia – P120
  • Galunggong (imported) – P130
  • Garlic (imported) – P70
  • Garlic (local) – P120
  • Pulang sibuyas – P95
Facebook Comments