DA, kinumpirmang nakapasok na ang ASF sa Occidental Mindoro

Kinumpirma ni Agriculture Spokesperson Arnel de Mesa na nakapasok na sa lalawigan ng Occidental Mindoro ang African Swine Fever (ASF).

Ayon kay De Mesa, simula pa noong nakalipas na linggo ay nakarating na sa Bureau of Animal Industry (BAI) ang pagkalat ng kaso ng ASF.

Kabilang sa tinamaan ng ASF ay ang mga bayan ng San Jose at Sta. Cruz, Occidental Mindoro.


Kasunod nito, nagsagawa na ng bio-security measures ang BAI sa nabanggit na mga bayan simula January 11 hanggang January 13, 2024.

Kabilang dito ang pagpatay sa 41 baboy sa San Jose at dalawang baboy naman sa Sta. Cruz.

Sa ngayon, mas hinigpitan pa umano ang pagsasagawa ng border control sa nabanggit na mga bayan upang hindi na kumalat pa ang sakit.

Tuloy-tuloy rin umano ang ginagawang monitoring ng DA at BAI katuwang ang mga lokal na pamahalaan ng Occidental Mindoro.

Facebook Comments