
Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na asahang patuloy na bababa ang presyo ng bigas hanggang sa susunod na taon.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa, bagama’t tumaas ang presyo ng gulay, isda at karne, patuloy naman na bumababa ang presyo ng bigas dahil sa patuloy na pagbaba ng international market price.
Ito’y dahil na rin sa malaking rice production sa ibang bansa partikular sa India at Vietnam.
Bukod pa rito, nakikita na rin ang epekto ng umiiral na temporary rice importation ban.
Tiyak aniya na ang farm gate price ng palay ng mga lokal na magsasaka ay hindi masyadong maaapektuhan.
Dagdag ni De Mesa, bagama’t may huling parating na bigas galing sa ibang bansa, nagsimula na rin ang anihan noong August para sa mga early planters hanggang ngayong September sa Central Luzon.
At sa darating na November, may aanihin pa ang mga magsasaka o late planters.









