DA, kumpiyansa na babagal ang inflation rate sa 2021 dahil sa pinalakas na programa sa food supplies

Kumpiyansa si Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na babagal na ang inflation rate ngayong 2021.

Sa virtual presser sa DA, sinabi ni Secretary Dar na asahan na magmumura na ang food supplies dahil pinaigting na nila ang mga istratehiya sa food production.

Ani Dar, mayroong labindalawang istratehiya ang DA para sa food security ngayong 2021.


Kabilang dito ang paglalatag ng Bayanihan Agri cluster.

Sa pamamagitan ng naturang collective approach, makikinabang sa mechanization, free seeds at fertilizers, breeder stock, technical support at market access ang bawat farm clusters.

Isa rin aniya sa high priority area ng ahensya ang pagsugpo sa banta ng African Swine Fever (ASF) at mapalakas ang suplay ng karne ng baboy.

Facebook Comments