Tiwala ang Department of Agriculture (DA) na makakamit ang target na 20 million metric tons na aning palay sa taong kasalukuyan sa kabila ng epekto ng El Niño.
Sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol, na bagamat sa inisyal na pagtaya, aabot sa 120,000 metric tons ang posibleng mawalang rice output dahil sa El Niño.
Pero, kumpiyansa si Piñol na kaya naman na mabawi ito sa pagpasok ng wet season harvest.
Una nang binago ng DA ang inisyal na 2019 palay target nito mula sa dating 20.085 MMT patungong 20 MMT bunsod ng inaasahang pinsala ng El Niño sa sektor ng agrikultura.
Bumaba ang palay output ng bansa sa nakalipas na mga taon dahil sa mga bagyong nanalanta sa bansa.
Noong 2018, bumaba ang palay output ng 1.09 percent o katumbas ng 19.066 MMT.
Ito ay kung ihahambing sa 19.276 MMT na naitala noong 2017.