DA, kumpiyansang makakapag-ambag ang agriculture sector sa GDP ng bansa ngayong 2021

Photo Courtesy: Department of Agriculture - Philippines Facebook Page

Tiwala si Agriculture Secretary William Dar na makakabawi ang agriculture sector upang makapag-ambag sa ekonomiya ngayong 2021.

Kasunod ito ng ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) at National Economic Development Authority (NEDA) na bumagal ng 0.02% ang ambag ng agriculture sector sa Gross Domestic Product (GDP) noong 2020.

Nangako si Sec. Dar na magiging puwersa ang sektor ng agrikultura para itulak ang ekonomiya patungo sa pagbangon sa gitna ng COVID-19 pandemic ngayong 2021.


Dagdag ni Dar, natuto ang ahensya mula sa epekto ng pandemya, sa pagputok ng Taal Volcano, ang pamemeste ng African Swine Fever (ASF) at ng sunod-sunod na pagsalanta ng mga bagyo upang makapaglatag ng mga sistema at polisiya upang makamit ang target na 2.5% growth sa 2021.

Una nang inilunsad ng ahensya ang “OneDA” program na kinapapalooban ng 12 key strategies upang gawing moderno at industriyalisado ang agri at fishery sectors.

Facebook Comments