Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na mas marami pang mga lokal na pamahalaan ang mapapasama sa P29 Program o bentahan ng P29/kilo ng bigas sa mga susunod na linggo.
Ayon kay DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, mula nang ilunsad nila ang P29 program ay sunod-sunod na ang pakikipag-ugnayan ng ilan pang LGUs para magkaroon din ng bentahan ng miurang bigas sa kanilang nasasakupan.
Ayon pa kay De Mesa, isinasaayos na nila ang guidelines upang matiyak na mga bulnerableng sektor ang makabibili ng murang bigas.
Malapit sa mga komunidad bubuksan ang P29 Program upang hindi na kailangang dumayo ng mga buntis, senior citizens sa pagbili ng murang bigas.
Sa Agosto ay planong ilunsad ng Visayas ang P29 program.
May sapat naman umanong suplay ng murang bigas na magpapanatili sa programa.
Inihahanda naman ng DA ang guidelines para naman sa paglulunsad ng Rice for all Program.