DA: Local producers ng karne ng baboy, kayang suplayan ang pangangailangan ng bansa

Kumbinsido ang Department of Agriculture (DA) na kakayaning suplayan ngayon ng local producers ang pangangailangan sa karneng baboy ng bansa.

Ayon kay DA Assistant Secretary Kristine Evangelista, kailangan lamang na malinaw ang sitwasyon ng suplay para alam ng producers kung gaano karami ang kanilang ipo-produce.

Ito aniya ang kahalagahan ng updated na inventory para sa price at volume watch ng karneng baboy.


Maganda na rin aniya ang sitwasyon ng suplay ng manok sa ngayon.

Pero dapat lamang aniyang tingnan kung papano pa matutulungan ang stakeholders at makahanap ng paraan upang maging priority palagi ay ang local na produce.

Dapat rin aniyang bantayan ang presyo dahil hindi lamang ang suplay ang nagti trigger ng importasyon kundi maging ang presyuhan nito sa merkado.

Facebook Comments