Magbebenta ang Department of Agriculture (DA) ng mga mangga sa murang halaga sa gitna ng sobrang supply nito.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol – plano nilang ibenta ang nasa isang milyong kilo ng mangga ngayong buwan sa Tienda Mango Marketing Program sa Metro Manila.
Sa Facebook post ng kalihim, ang oversupply ng mangga ay bunsod ng dry spell.
Ang mga mangga ay nagkakahalaga mula 20 hanggang 50 pesos kada kilo sa mga sumusunod na lugar:
- Department of agriculture Central Office, Elliptical Road, Diliman, Quezon City
- Bureau of Plant and Industry, Malate, Manila
- Muntinlupa City Hall
- Parañaque City Hall
- Waltermart North EDSA, Quezon City (9 A.M. – 9 P.M.)
- Waltermart Makati (9 A.M. – 9 P.M.)
- Waltermart Pasay (9 A.M. – 9 P.M.)
Facebook Comments