DA, magbibigay ng suporta sa transportasyon sa mga hog raisers at traders na maghahatid ng suplay ng baboy at pork products sa Metro Manila

Inatasan na ni Agriculture Secretary William Dar ang mga Department of Agriculture (DA) Regional Directors sa Visayas at Mindanao pati na sa Luzon na makipag-ugnayan sa mga hog raisers at traders.

Nais ng DA na mabigyan sila ng suporta sa transportasyon sa pagdadala ng mga baboy at pork products sa Metro Manila.

Kampante ang kalihim na maibaba ang presyo ng mga baboy sa mga pamilihan kung madadagdagan ang hog production.


Paliwanag pa ng kalihim, may pakikipag-ugnayan na rin ang ahensiya sa logistics sector at iba pang concerned agencies, gaya ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para magpatupad ng “special hog lanes” o food highways.

Sa ganitong paraan, magtutuloy-tuloy at hindi maaantala ang paghahatid ng suplay ng baboy at iba pang agri-fishery products papasok ng Metro Manila.

Facebook Comments