Ilulunsad ngayong buwan ng Department of Agriculture (DA) ang digital cash at food aid system o e-voucher system para sa transparent na pagpapatupad ng cash at subsidies sa mga magsasaka at mangingisda.
Sa ilalim ng ₱4.5 billion na budget ng ahensya sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2, halos 900,000 marginal farmers at fisherfolk ang makikinabang sa cash at food assistance.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, obligasyon ng ahensya na bumuo ng social amelioration assistance sakop ang indigenous people farmers, mga magsasaka ng mais, niyog, at tubo, at mga mangingisda na hindi kabilang sa mga ayudang ipinapamahagi lamang sa mga rice farmers.
Sa pamamagitan ng e-voucher system, maaaring makuha ng mga benepisyaryo ang cash assistance sa DBP-accredited payout centers sa pamamagitan ng pagpapakitan g ID at unique reference code/
Para sa food assistance, maaaring makuha ang mga ito sa anumang Kadiwa supplier na kinikilala ng DA.
Ang mga eligible farmers na naka-enroll sa Registry system para sa Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ay makakatanggap ng food assistance tulad ng ₱2,000 na halaga ng bigas at manok o itlog at ₱3,000 cash assistance.