
Inirekomenda ng Department of Agriculture (DA) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magpatupad ng temporary import ban sa bigas na sisimulan sa Setyembre.
Sa pulong balitaan, sinabi ni DA Spokesperson at Assistant Secretary Arnel de Mesa na itataon nila ang import ban sa harvest season sa Agosto at Setyembre.
Dagdag pa ng DA official, inirekomenda nila na tatagal ng 45 araw hanggang 60 araw ang pagsuspinde sa pag-aangkat ng bigas.
Sa ganitong paraan, magiging competetive na ang farmgate price ng mga magsasaka.
Sa pagtaya ng DA, aabot sa labing isang milyong metriko tonelada ng palay ang posibleng anihin mula kalagitnaan ng Agosto hanggang mga unang linggo ng Oktubre.
Ito aniya ang dahilan kaya kailangang ipatigil ang pagpasok ng imported na bigas dahil sa marami ang suplay sa ngayon ng bigas sa bansa.
Sa katunayan, umaabot na sa 2.5 million metric tons ang imported na bigas na pumapasok sa bansa hanggang July 2025.
Sa talaan naman ng PSA, umaabot na ngayon sa 2.8 million metric tons ang rice inventory sa bansa.









