
Magpapatupad ng Department of Agriculture (DA) ang importation ban ng mga karneng baboy sa bansang Spain dahil sa African Swine Fever (ASF) outbreak.
Iyan ang kinumpirma ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa ginanap na pulong balitaan kanina.
Ayon sa kalihim, lahat ng karneng na-produce matapos ang November 11 ay hindi na pupwedeng ipasok sa bansa.
Samantala, sinabi rin ni Laurel Jr. na wala namang epekto ang ban sa supply sa bansa dahil puno pa ang mga cold storage ng karneng baboy.
Habang stable pa rin naman ang presyo ng mga itinitindang karne sa merkado.
Isa ang Spain sa pinagkukuhanan ng karneng baboy ng bansa.
Facebook Comments









