Tuesday, March 3, 2026

DA, mahigpit na binabantayan ang tensyon sa Middle East at sa epekto nito sa suplay ng pagkain at sa kalakalan

Mahigpit na binabantayan ng Department of Agriculture (DA) ang mga kaganapan sa Middle East kasunod ng airstrike ng Estados Unidos laban sa Iran.

Partikular na mino-monitor ng DA ang epekto ng tensyon sa sektor ng agrikultura, gaya sa mga petroleum-based na pataba, gastos sa freight, at sa krudong nagpapatakbo ng makinarya ng mga magsasaka at sa bangka ng mga mangingisda.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., ang pagsara sa Strait of Hormuz ay magdudulot ng paglala ng pabago-bagong galaw sa mga commodity supply chain.

Naghahanap na ng paraan upang maibsan ang epekto ng krisis sa food systems at sa food security ng bansa.

Facebook Comments