Mahigpit na ring mino-monitor ng Department of Agriculture ang presyo ng itlog.
Ito ang ipinahayag ni Agriculture Spokesperson Asec. Kristine Evangelista kasunod ng mga napaulat na pisong paggalaw ng presyo ng itlog na ikinadismaya ng mga mamimili.
Binabantayan din ng kagawaran ang presyo ng manok dahil batay sa price monitoring ng DA, naglalaro na sa 220 ang presyo ng kada kilo ng karne ng manok.
Mas mataas ito kumpara sa year to year monitoring sa presyuhan ng manok na naglalaro sa 145 hanggang 180 pesos ang kada kilo.
Sinabi ni Evangelista na isa sa mga tinitingnang dahilan ay ang sitwasyon ng poultry industry sa bansa at ang naging pagtaas ng demand sa itlog at manok noong holiday season.
Makikipag-ugnayan ang DA sa iba pang mga stakeholder tulad ng United Broilers Raisers Association o UBRA para malaman ang kanilang imbentaryo sa manok.