DA, makukumpleto na ang indemnification sa mga nalalabing hog raisers na apektado ng ASF

Mababayaran na nang buo ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka at hog raisers na kusang pinatay at inilibing ang kanilang mga alagang baboy na tinamaan ng African Swine Fever (ASF).

Kasunod ito ng pagpapalabas ng P461 million para sa indemnification ng nalalabing backyard raisers.

Ayon kay Bureau of Animal Industry (BAI) Director Reildrin Morales, simula nang pumutok ang ASF outbreak noong 2019 ay tinutumbasan ng BAI ng P5,000 ang kada ulo ng baboy na isinasalang sa culling.


Sa kabuuan ayon kay Morales, nasa P2.158 billion na request para sa indemnification ng mga backyard hog raisers na ang kanilang natanggap.

Aabot naman sa P1.697 billion ang naibayad na sa 48,530 na backyard raisers kung saan nasa 92,200 ang culled hogs.

Facebook Comments