Muling binuhay ng Department of Agriculture (DA) ang “half cup rice” campaign sa gitna ng isyu ng kagutuman.
Batay sa datos mula sa Philippine Rice Research Institute (PhilRice), nagkaroon ng 255,000 metriko toneladang kabawasan sa pag-aaksaya ng bigas noong 2019.
Mas mababa kung ikukumpara sa 340,000 metriko tonelada na naitala noong 2009.
Ang inisyatiba, na unang inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong 2013, ay nagtataguyod ng mas maliliit na serving ng kanin upang mabawasan ang rice wastage.
Ang panibagong panawagan para sa maingat na pagkonsumo ng bigas ay nagpapakita ng potensyal nito na makatipid ng resources at mapabuti ang mga resulta nito sa kalusugan ng mga Pilipino sa buong bansa
Facebook Comments