DA, nag-ikot sa QMart at Commonwealth Market para makita kung nasusunod ang price ceiling sa karneng baboy

Nag-ikot sa mga pamilihan sa Quezon City ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) para personal na makita kung nasusunod ang price ceiling sa karneng baboy at manok.

Pinangunahan nina technical adviser on Bantay ASF sa Barangay Jerry Pelayo, Assistant Secretary for Operations Arnel De Mesa at Bureau of Animal Industry (BAI) Director Reildrin Morales ang price monitoring sa Commonwealth Market at QMart sa Quezon City.

Una nilang ininspeksyon ay ang QMart na nakitaan na sumusunod naman sa ipinatutupad na price ceiling ang mga nagtitinda ng baboy


May dumating na limampung baboy sa naturang palengke.

Pero, kulang pa ito dahil 50 retailers sa QMart na nangangailangan ng dalawa hanggang tatlong baboy ang bawat retailers.

Sa Commonwealth Market, may dumating naman na mula 130 hanggang 250 na baboy.

Pero, late na dumating kung kaya’t pina-stock na lang muna dahil wala ng mga mamimili.

Kinakausap na rin ngayon ng DA ang mga Local Government Units (LGUs) dahil naaabala ang pag-transport ng live hogs dahil sa sangkatutak na rekisitos.

Facebook Comments