
Naglibot ang Department of Agriculture (DA) kasama ang Philippine National Police (PNP) at Food Terminal Incorporated sa Balintawak Cloverleaf Market aa Quezon City ngayong umaga, tatlong araw bago ang pagdiriwang ng Kapaskuhan.
Ininspeksyon ng DA ang mga presyo kung sumusunod ba ang mga tindero’t tindera sa itinakdang maximum suggested retail price o MSRP sa ilang mga pangunahing bilihin gaya ng imported na sibuyas at karneng baboy.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Genievieve Guevarra, halos lahat ng tindahan sa nasabing palengke ay nakasunod sa MSRP o di kaya mas mababa kumpara sa presyo sa ilang palengke sa Metro Manila.
Sa kabila nito, may isang tindera ng gulay ang pinagpapaliwanag ng DA dahil sa mataas na presyuhan nito sa imported na sibuyas.
Duda si Guevarra sa dahilan ng tindera kung bakit mataas sa itinakdang MSRP ang ibinibenta nitong sibuyas.









