
Pinagpapaliwanag ng Department of Agriculture (DA) ang siyam na babuyan sa Central Luzon kung bakit sila nag-o-operate nang hindi dumadaan sa basic health, environmental, at safety regulations.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, kabilang sa mga pinadalhan ng show cause order ay mga hog farm sa Bulacan, Pampanga at Tarlac.
Ayon sa kalihim, hindi nila kukunsintihin ang mga iligal na operasyon lalo pa’t ngayon pa lang bumabangon ang bansa sa epekto ng African Swine Fever (ASF).
Inatasan din Secretary Tiu Laurel ang Bureau of Animal Industry (BAI) na palawakin ang ginagawa nitong inspekasyon at tiyaking nakakasunod ang mga hog farm sa buong bansa.
Facebook Comments









