DA, nagbabala sa mga magsasaka sa paggamit ng mga naka-ban na abono

Nagbabala ang Department of Agriculture (DA) sa mga magsasaka at traders laban sa paggamit ng mga fertilizer o pataba na nai-ban ng Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) sa Cordillera.

Ayon kay FPA – CAR Regional Officer Rogelio Tanguid, may mga fertilizer brands na nabigyan ng certificate of product registration pero sinuspinde ang produksyon dahil sa hindi pagsunod sa rules and regulations ng ahensya.

Kabilang dito ang Turbo Prime, Turbo Multi, Xian Bee, Takada Triple 14 at Vio-Crop.


Batay kasi sa resulta ng isinagawa nilang laboratory tests, napakababa ng nutrient content ng mga nasabing pataba na maaaring makaapekto nang masama sa mga planting area.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng ahensya ang mga magsasaka at traders na huwag tangkilin ang mga nabanggit na brand ng abono habang inatasan na rin nila ang mga local manufacturers nito na i-pull out o alisin ang kanilang nga produkto sa mga pamilihan.

Facebook Comments