Nagbanta si Agriculture Secretary William Dar sa mga opisyal at kawani ng ahensya na maaaring sangkot sa korapsyon.
Ayon sa kalihim, hindi sila magdadalawang-isip na sampahan ng kasong administratibo ang mga opisyal o empleyado ng ahensya na mapatutunayang sangkot sa smuggling.
Kasunod ito ng gagawing pinaigting na kampanya ng Department of Agriculture (DA) kontra smuggling sa sektor ng pagsasaka at pangisdaan sa harap ng isinagawang imbestigasyon ng Senate Committee of the Whole sa nasabing isyu.
Mariing kinondena ni Agiculture Secretary William Dar ang umano’y smuggling sa DA na nakakaapekto sa kita at kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda.
Nanawagan naman ang DA sa mga mambabatas na pondohan ang digitalization ng mga proseso sa DA at Bureau of Customs (BOC) upang mas malabanan pa ang smuggling.
Matatandaang mahigit P1.2 bilyong pisong halaga ng mga smuggled na gulay ang nakumpisa ng BOC at DA sa iba’t ibang operasyon nito sa mga pantalan sa bansa noong nakaraang taon.